Kanina..
Maraming tao sa jeep kaninang umaga, mga pito sa kanan at lima sa kaliwa . Sa bandang Petron sa North Fairview may pumara na isang lalaki, nagmamadali itong bumaba at sa sandali ng kanyang pagbaba isang lalaki ang sumisigaw ng "Sandali!, Oy!!" ang lalaking sumigaw ay katabi nya, habang sumisigaw ang lalaki naka unat ang kanyang braso na nag aabot ng pera , hindi ko nakita kung magkano pero medyo makapal yun. sa tingin ko 2,000 pesos yun or 1,500 laking pasalamat ng lalaking nakaiwan ng pera dun sa taong nagbalik ng pera..
Nakakatuwa. Hindi pa rin pala lahat ng Pinoy ay mapagsamantala Ahehehe..
No comments:
Post a Comment